NCPO Director humingi ng isang linggo upang linisin ang illegal parking sa paligid ng headquarters

NAGA CITY-Kaliwa’t kanan ang One Time Big Time Operations ng Naga City Police Office (NCPO) kasama ang ilan pang mga opisina laban sa mga traffic violators pero napupuna rin ang mga nakaparada sa tapat at paligid ng kanilang headquarter sa Barlin Street.

Kaya naman nangako si  City Director PCOL Erwin Rebellon na lilinisin ang naturang bahagi lalo pa may mga signage na No Parking at Towing Area. Naging bukas sa naturang puna si Rebellon at sinabing bigyan siya ng isang linggo upang maayos ito.

Batid din ng City Director na maliit ang kalsada sa lugar, bumibigat ang trapiko dahil sa magkabilaang parada ng sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *