Isiniwalat ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na ang kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si ‘Wesley Leal Guo’ ay si ‘Guo Xiang Dian’.
Ito ay alinsunod sa bagong inilabas na fingerprint matching ng National Bureau of Investigation (NBI) gamit ang Bureau of Immigration (BOI) records at NBI biometric records.
Ayon sa NBI, dumating sa bansa si Guo Xiang Dian noong 1999 at isa ito sa mga nakalistang dependent na anak ni Lin Wen Yi na nagpapakitang kapatid ni Guo Hua Ping.
Si Wesley ay isa sa mga incorporator ng CDAG Reality Corporation kung saan majority owner si Alice Guo.
Alinsunod nito, ayon kay Gatchalian pinapakita lang nito ang ginawang pang-aabuso ng pamilyang Guo sa late registration process.