PNP, tuloy-tuloy ang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa nalalapit na SONA

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police sa seguridad sa nalalapit na SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, gaya ng mga nakalipas na SONA ng Pangulo , ay may security template nang sinusunod ang pulisya para rito at magsasagawa sila ng mga kinakailangang adjustment kung kinakailangan depende sa sitwasyon.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa House of Representatives hinggil sa magiging latag ng seguridad para sa okasyon

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Mananatili naman “No Rally Zone” ang Commonwealth avenue sa Quezon City. Hinihintay na lamang ng PNP ang magiging desisyon ng Quezon City Local Government Unit

Kaugnay ito sa mga grupong papayagang magsagawa ng kanilang aktibidad kasabay ng SONA.