NSC, DND – hindi ‘aware’ sa umano’y Chinese missles na nakatutok sa Pilipinas

Hindi raw aware ang National Security Council sa anumang security threat na binangiit ni Sen. Imee Marcos kaugnay ng umano’y hypersonic missiles ng China na nakatutok sa Pilipinas.

Sa pahayag ng NSC, makikipag-ugnayan sila sa Senador para makakuha ng mga detalye tungkol sa nasabing impormasyon.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Dagdag pa ng NSC, sa nagdaang ika-9 na Bilateral Consultation Meeting kahapon, muling pinagtibay ng Pilipinas at ng China ang kanilang pangako na pababain ang tensyon sa West Philippine Sea.

Dahil dito, hindi nakikita ng Pilipinas ang banta ng anumang agarang pag-atake mula sa China.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ganito rin ang naging tugon ng Department of National Defense.

Ayon sa pahayag ng DND – wala pa silang nakikita, ‘o nababasang ano mang impormasyon hinggil sa naturang pahayag ni Senadora Imee.