Umano’y babaeng scammer, nagparetoke para matakasan ang atraso

Nagparetoke ng mukha at nagpalit pa ng identity ang isang umano’y scammer para matakasan ang kaniyang mga atraso.

Nagpanggap na lalaki at nagpakilalang Alexis ang babaeng manggagantso nang silbihan siya ng warrant of arrest ngunit ang hindi nito alam ay bistado na siya ng mga pulis.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ayon sa QCPD, ang suspek na kinilalang si Beverly Santos ay lehitimong supplier sa ilang ahensya ng gobyerno at kumuha ng investors para sa kanyang negosyo.

Tinangay umano ni Santos ang nasa higit P50 milyon mula sa kanyang mga nabiktima.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Aminado naman siya sa kanyang ginawa ngunit nakatanggap umano siya ng mga death threat kaya siya nagtago at nagparetoke.

Kasong large scale estafa ang kakaharapin ng suspek.