Umano’y anomalya sa TUPAD program ng DOLE, nais paimbestigahan

Isiniwalat ng isang Palaweño ang tungkol sa umano’y anomalya sa TUPAD Program ng Department of Labor & Employment o DOLE.

Ayon sa umano’y Displaced worker sa Bgy. Isumbo, Sofronio Española, sinurvey daw sila nakaraang Sityembre 2022 at sinabing naitala sila sa TUPAD beneficiaries.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Hiningan siya ng detalye at ang tatlumpong iba pa bago ang pay-out ng P3, 550 cash assistance.

Subalit nang matanggap na ang pera nitong nakalipas na Huwebes ay napunta raw umano ang P2, 000 sa taong tumulong sa pagproseso para sila’y mabenepisyuhan.

Nag-abang raw ito sa labas ng remittance center at doon sila kinuhanan ng naturang halaga.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Gayunpaman, hindi matiyak ng nagreklamo kung sinu-sino ang mga taong nag-asikaso at kung saang opisina ito konektado.

Para sa nagreklamo, hindi makatarungan kung mas malaki ang perang napupunta rito kumpara sa kanila na nawalan ng trabaho.