Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng chicken nuggets sa Batangas; kasama, nakatakas

Arestado ang isang lalaki habang nakatakas naman ang kasama matapos na magtangkang magnakaw ng chicken nuggets at iba pang mga grocery items sa Alfamart Convenience Store sa Brgy. Poblacion, San Pascual, Batangas, dakong 6:45 kagabi, Oktubre 21, 2022.

Kinilala ng San Pascual Municipal Police Station ang suspek na si Randy De Guzman Cabalonga, 35 anyos at residente ng Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakatakas naman ang kasama nito matapos na kumaripas ng takbo na kinilalang si Jayson Tatan, 34 anyos at residente ng Brgy. Anabu, Imus, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, aktong nakita ng isang store crew ang suspek na kinukuha ang mga assorted items kaya tumawag ito sa mga kapulisan.

Matapos na komprontahin ang dalawa ay agad na tumakbo si Tatan dala ang mga grocery items na tinatayang 5,000 pesos ang halaga habang naiwan naman si De Guzman.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Tuluyang naaresto ng mga awtoridad si De Guzman at narekober mula sa kanya ang isang pack ng chicken nuggets, siyam na chicken cubes, isang pack ng gatas, tinapay, nuts at cotton na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P1,262.00.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek habang mahaharap naman sa kasong Theft (shoplifting) ang naarestong suspek.