Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na pumapalo sa 137 Ukrainians na mga sibilyan at sundalo ang namatay habang 316 ang sugatan sa unang araw ng pag-atake ng Russia.
Dahil dito, pinakikilos na ni Zelensky ang buong pwersa ng mga mamamayan nito kabilang na ang mga drafted at reservists na idedeploy sa buong Ukraine sa pamamagitan ng nilagdaan nitong decree.
Sa gitna nito, 90 araw ang itatatagal na full military mobilization ng presidente, at idedeploy rin ang lahat ng kanilang assets.
Sa kanyang video address iginiit nito na walang handang tumulong sa kanilang bansa, maliban sa economic sanctions.

Dagdag nito, number target na siya ngayon ng mga kalaban, habang pangalawa naman ang kanyang pamilya, pero sa kabila nito, mananatili parin umano siya sa capital, maging ang kanyang pamilya.
Giit ng presidente, gusto ng Russia na pabagsakin ang Ukraine politically sa pamamagitan ng pagsita sa head of state. //MPT