Russia, handa umanong magsagawa ng high-level talks sa Ukraine: Beijing

Ibinahagi ng China’s foreign ministry na sinabi ni Russian President Vladimir Putin sa kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping na handang magsagawa ang Russia ng high-level talks sa Ukraine.

Kaugnay nito, tumangging tawagin ng China ang aksyon ng Russia sa Ukraine bilang “invasion”, at hindi rin nito binatikos ang Moscow, sa kabila ng pinaigting na assaults mula sa militar ng Russia.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Putin kay Xi na matagal nang binabalewala ng United States at NATO ang legitimate security concerns ng Russia, paulit-ulit na sinisira ang kanilang commitments, at patuloy ang pagpapalawak ng military deployment eastward.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Una nito, paulit-ulit rin ang panawagan ng China na resolbahin ang krisis sa pamamagitan ng dayalogo.

Sinabi ni Xi kay Putin na suportado ng China ang Russia at Ukraine sa pagresolba sa isyu sa pamamagitan ng negosasyon. //MPT