Inihayag ng Ukraine forces na nagdulot ng pagkakabalik ng mas marami pang ground ang kanilang isinagawang lightning counter-offensive sa nakalipas na araw, matapos bumuwelta ang Russia ng strikes sa ilang recaptured ground.
Ang territorial shifts ang isa sa pinakamalaking reversals ng Russia, simula nang lisanin nila ang Kyiv, pero hindi pa payag ang Moscow na magkaroon ng negotiated peace.
Una nito, inanunsyo ng Moscow ang kanilang air, rocket at artillery attacks sa reclaimed areas sa Kharkiv region, isang araw matapos sabihin ng Kyiv, na ang Russian strikes sa electricity infrastructure ay nagdulot ng power failures.
Ang retaliatory fire ay matapos muling nakuha ng Ukraine ang mahigit 20 karagdagang settlements, at sinabing inabandona na ng tropa ng Russia ang kanilang posisyon at tumakas.
Matatandaan na inanunsyo rin ng Kyiv na muli nilang nabawi ang strategic city ng Izyum sa east ng bansa, na isa sa mga sunod-sunod na tagumpay laban sa army ng Russia.
