King Charles III, nagsagawa ng kauna-unahang address sa UK parliament

Nagsagawa si Charles III ng kanyang kauna-unahang talumpati sa Parliament ng UK bilang hari, matapos pumalit sa trono kasunod ng pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Kaugnay nito, pinuri ni King Charles III ang “vital” traditions ng mga British lawmakers.

Ang bagong monarch ng Britanya ay nagbigay ng kanyang inaugural parliamentary address sa harap ng mga miyembro ng elected lower House of Commons at ng upper chamber House of Lords na nagtipond sa Westminster Hall.

Ang pinakalumang bahagi ng centuries-old parliament ng Britain, ay ang paglalagakan ng kabaong ng ni  Queen Elizabeth II, mula Miyerkules ng gabi para sa apat na araw na official lying-in-state hanggang sa kanyang state funeral sa Lunes.

Ayon sa bagong hari, ang parliament ay ang buhay at humihingang instrumento ng kanilang demokrasya, kasabay ng pag-gigiit na naging halimbawa ng selfless ang reyna.