EJ Obiena, nakakuha ng isa pang ginto sa Golden Fly Liechtenstein

Isa na namang tagumpay ang naitala ni EJ Obiena, matapos makakuha ng gold sa 2022 Golden Fly Liechtenstein.

Nanguna ang world’s No. 3 pole vaulter sa field, matapos ma-clear ang 5.71 meters.

Ang tagumpay ni Obiena ay kabilang sa ikalawang bahagi ng kanyang season, kung saan nakuha ng kasalukuyang Asian record-holder ang limang gintong medalya mula sa pitong mga tournaments sa loob lang ng tatlong linggo.

Ang highlight ng naturang mga panalo, ay ang conquest ni Obiena sa Olympic gold medalist at world record holder Mondo Duplantis sa Diamond League Memorial van Damme sa Brussels.

Matatandaan na noong nakaraang taon, muling itinakda ni EJ ang Asian pole vault record, matapos ma-clear ang 5.93m sa 2021 Golden Roof Challenge.