UK, magbibigay ng mga tangke sa Ukraine

Nangako si British Prime Minister Rishi Sunak na magbibigay ng 14 na mga tangke sa Ukraine na kauna-unahang Western country na magsu-supply ng heavy tanks sa Kyiv.

Ang pangakong ito ng British Prime Minister ay umani ng reaksyon mula sa Russia at nagbabala na mas mapalalakas lamang nito ang conflict ng dalawang bansa.

Sinabi ni Sunak na ang mga tangke ay tanda ng ambisyon ng UK na paigtingin ang kanilang suporta sa Ukraine.

Ang mga kaalyado ng Ukraine sa Europa ay nagpadala una nang nagpadala sa Kyiv ng higit sa 300 modernized Soviet tank mula noong salakayin ng Russia ang Ukraine noong February 2022.//CA