Hindi bababa sa 68 katao, patay sa plane crash sa Nepal

Hindi bababa sa 68 katao ang nasawi nang bumagsak ang isang domestic flight ng Yeti airlines kahapon sa Pokhara sa Nepal, ayon sa Civil Aviation Authority ng bansa.

Ito na ang pinakamalalang air crash sa loob ng tatlong dekada sa small Himalayan nation.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ang eroplano ay may sakay na 68 mga pasahero at apat na crew members.

Nagkaroon ng contact ang mga piloto nito sa paliparan mula sa Seti Gorge sa 10:50 a.m. pagkatapos ay bumagsak na ito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon sa isang police official, nahirapan ang mga rescuers na marating ang lugar sa isang bangin sa pagitan ng dalawang burol malapit sa tourist town’s aiport.//CA