Sinimulan nang itest ng Indonesia ang homegrown COVID-19 vaccine sa mga tao, matapos makakuha ng go signal mula sa drug regulator, sa harao ng tumataas na wave ng virus cases.
Ang research sa “Merah Putih” (“Red White”) vaccine na pinangalan mula sa mga kulay ng Indonesian national flag, ay pinangunahan ng Airlangga University at Biotis Pharmaceutical Indonesia.
Nabatid na matagal na naantala ang naturang proyekyo simula noong 2020, pero umaasa umano ang mga otoridad na papayagan ang pag-gamit nito sa kalagitnaan ng 2022, sakaling maging matagumpay ng trials.

Ayon kay Health minister Budi Gunadi Sadikin, ang naturang gamot ay maaring ibigay sa ibang mga bansa, bilang booster jab o bakuna para sa mga batang may edad tatlo hanggang anim na taon.