Marian Rivera, suot ang kabuoang P2.1-M OOTD, jewelry sa kanyang 38th birthday

Papalo sa kabuoang P2.1-M ang suot niya Marian Rivera sa kanyang ika-38 kaarawan noong Biyernes, August 12, 2022, kasama na ang mga alahas nito.

Suot ni Marian ang off-shoulder floral silk mini dress mula sa Giambattista Valli, kung saan available rin ito sa mytheresa.com na nagkakahalaga sa P181,228.96, na tenernuhan niya ng Giambattista Valli’s Maxi Bow pale pink leather mules, na sinasabing P58,800 sa  official website ng isang Italian brand.

Makikita rin ang Nudo Rivière necklace ng aktres na 18kt rose gold na may puting topaz at diamonds, na may presyo na P1,159,080, at Nudo Gele white topaz earrings na nasa P222,900.

Ang suot naman nito na tatlong variants ng Nudo rings, na sinasabing Nudo Classic 18k rose at white gold ring na mayroong diamonds at white topaz ay nagkakahalaga ng P284,197.50.

Ang dalawang iba pang singsing na suot ni Marian sa kanyang birthday party ay kagaya ng Nudo petit ring na rose gold at white gold na mayroong white topaz at ang Nudo classic ring na  rose gold at white gold na mayroong amethyst, ay nasa P100,305 at P136,526.25.