BI, binalasa ang 341 personnel sa NAIA

Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang 341 ng kanilang mga personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), para maiwasan ang korapsyon sa kanilang hanay.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, acting port operations chief ng BI, na ito na ang huling rotation ng kanilang NAIA personnel para ngayong taon, dahil ang susunod naman na reshuffling ay ipapatupad sa unang quarter ng 2022.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Dagdag ni Capulong, ang 99 newly-hired immigration inspectors at mga sumasailalim sa on-the-job training, ay hindi kasama sa 341 rotated personnel.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Pero ang naturang mga bagong recruits ay ipapakalat sa major ports ng bansa sa oras na makompleto ang kanilang pagsasanay.

Maliban naman sa mga BI personnel na nagtatrabaho sa immigration counters ng NAIA, babalasahin rin ng bureau ang terminal assignments ng 77 immigration supervisors. //MHEL PACIA-TRINIDAD