Tuluyang pagbangon ng ekonomiya,  hiling ng mga Muslim sa pagdiriwang ng  Eid’l Adha sa Camarines Sur

NAGA CITY- Ipinagdiriwang ngayon ng mga Muslim o nasa pananampalatayang  Islam ang  Eid’l Adha (Feast of Sacrifice)  ang pag alala sa naging sakripisyo ni Ibrahim. Ideneklara ng Palasyo na  Regular Holiday ang Hulyo 9 upang bigyang daan ang okasyong ito.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sinabi sa Brigada News FM ni Naga City Muslim Affairs Office Head at Camarines Sur Muslim Federation President  Mike Mustapha na balik na sila sa dating pagtitipon; pagtitipon na hindi nagawa noong mataas ang COVID-19 cases.

Maliban sa pagsalu-salo ng mga halal na pagkain, magkakaroon din ng pagbabahagi ng biyaya sa ibang mas nangangailangan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Hiling ngayon nina Mustapha tuluyan nang makabangon ang ekonomiya ng bansa.  Sa Naga at Camarines Sur pagnenegosyo ang pangunahing ikinabubuhay ng mga muslim.