‘’Tuloy ang Jeepney Modernization!’’ – LTFRB Bicol

SORSOGON CITY – Sa kabila ng panawagan ng mga Senador na ihinto ang pagpapatupad ng jeepney modernization sa bansa, iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Bicol na tuloy ang pag-consolidate ng mga tsuper sa buong Kabikulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Regional Director Joel Defeo, bagama’t nirerespeto umano nila ang desisyon ng Senado ay hihintayin nila ang direktiba ng Pangulo hinggil dito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, hindi hihinto ang nasabing ahensiya sa pagsasagawa ng mga hakbang para sa pagpapatupad ng modernisasyon sa iba’t-ibang panig ng rehiyon kung saan may ilang mga kooperatiba na ang nagsumite ng consolidation, maging ng plano ng ruta.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Inihalimabawa rin niya ang lalawigan ng Sorsogon kung saan 99% na ang bilang ng mga consolidated modern jeepneys at nakapagbalangkas na rin ng public transport route plan ang mga ito kung kaya’t nababahala rin ang ahensya kung tuluyang ititigil ang nasabing programa.