SORSOGON CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang pagkabit ng mga linya ng tubig sa mga bahay-bahay sa bayan ng Castilla.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Sorsogon, inumpisahan na sa Brgy Poblacion ang nasabing koneksyon at magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod na araw depende kung nakapagpasa na ng mga requirements sa pagpapakabit.
Nagpapatuloy din ito sa ibang barangay lalo na iyong mga barangay na dati nang may koneksyon ng pampublikong gripo.


Matatandaan na naging isyu pa ito noon, kung saan hinanap ang pondo ng gobyerno na inilaan sa water system ng nasabing bayan.
Paliwanag ng alkalde na si Hon. Isagani “Bong” Mendoza, natapos na ang main connection sa nasabing water system at sa ngayon ay koneksyon naman sa mga bahay-bahay ang kanilang tinututukan.
