Tulisan, patay matapos bumangga ang ninakaw na motorsiklo

Dead on the spot ang isang tulisan makaraang mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang pampasaherong bus habang tumatakas sa Sayre Highway, Barangay Patpat, Malaybalay City, Bukidnon.

Sa ulat mula sa Malaybalay City Police Station, bago ang insidente ang suspek na residente ng Misamis Occidental ay nambiktima ito ng dalawang Lending Collector at inangayan ng mga gamit at motorsiklo na siyang ginamit sa kanyang pagtakas.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ayon kay PLtCol. Virgilio Cruz, hepe ng Malabalay City PNP, habang tumatakas lulan ng ninakaw na motor ay bigla itong bumangga sa pampasaherong bus dahilan para magtamo ng malubhang mga sugat sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Nabawi naman ng mga biktma na kapwa residente ng Blanco, Balingasag, Misamis Oriental ang kanilang mga sling bag at motorsiklo.

Lumalabas na toy gun ang ginamit ng suspek sa krimen na napag-alamang dati na ring naaresto dahil pa rin sa panghoholdap.