Tulfo, Legarda, leading sa senatorial bets – Pulse Asia

Para sa mga senatorial bets, number one pa rin sa survey ang brodkaster na si Raffy Tulfo na mayroong 50.4%.

Hindi nalalayo ang ikalawa sa survey na si dating Senador at ngayo’y Antique Rep. Loren Legarda na mayroong 49.4%.

Sumunod ang aktor na si Robin Padilla sa 42.9%; at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na mayroong 42.3%.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ikalima sa Pulse Asia survey ang dati ring Senador at ngayo’y Sorsogon Governor na si Chiz Escudero na mayroong 38.6%; habang re-electionists naman ang sumunod dito na sina Senador Win Gatchalian at Migz Zubiri na parehong mayroong tig-37%.

Nakakuha naman ng 35.9% si dating DPWH secretary Mark Villar; habang 34.3% ang nakuha ni dating senador JV Estrada Ejercito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa kukumpleto sa 12th spot – nakakuha si dating Vice President Jejomar Binay ng 32.5%; habang sina Senadora Risa Hontiveros naman at dating senador Jinggoy Estrada ay nakakuha ng tig-32.3%.

Isinagawa ang survey nitong April 16-21 sa 2,400 na respondents.
#