UniTeam, nangunguna pa rin sa survey

Isang linggo bago ang halalan, nangunguna pa rin ang tambalang Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa presidential at vice presidential survey.

Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, frontrunner pa rin si BBN sa 56% habang 23% naman ang nakuha ni Vice President Leni Robredo.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Nasa ikatlong spot na si Senador Manny Pacquiao sa 7%, matapos nitong maunahan si Manila City Mayor Isko Moreno na ngayon ay nasa 4th place na lang sa 4%.

Nananatili naman si Senador Ping Lacson sa ika-limang spot sa 2%.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, 55% ang nakuha ni Mayor Sara Duterte, habang 37% naman kay Senate President Tito Sotto.

Ikatlo sa vice presidential race si Senador Kiko Pangilinan na may 16%; at ika-apat si Doc Willi Ong sa 3%.

Isinagawa ang survey nitong April 16-21 sa 2,400 na respondents.
#