Ragos, na-konsensya kaya kumambyo – counsel

Hindi na umano kinaya ng konsensya ni dating NBI director for intelligence at dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos kaya nito nagawang umaming at kumambyo sa mga naging testimonya nito laban kay Senadora Leila de Lima.

Sa isang panyam, sinabi ni Atty. Michael de Castro, abugado ni Ragos, na hindi na ito pinatutulog ng kanyang konsensya lalo na’t limang taon nang ikinulong si de Lima.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nang matanong kung bakit ngayon lang kumambyo si Ragos, sinabi ni Atty. de Castro na wala raw expiration date ang bigat na dulot ng konsensya.

Sa kaparehong panayam, muling iginiit ng kampo ni Ragos na tinakot lamang ito ng dating Justice Secretary at ng ilan pang mga prosecutor.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Binasa nito ang bahagi ng affidavit kung saan, pinag-execute ito ng affidavit niya noon at pinilit na mag-corroborate sa statement ni Jovencio Ablen.

Giit ni Atty. de Castro, napilitan lang Ragos lalo na’t naka-detain siya nung panahon na ito.

Matatandaang naghain ng panibagong affidavit si Ragos para pasinungalingan ang una nitong pahayag hinggil sa umano’y pag-abot nito ng P5Million na pera sa dating bodyguard ni de Limna na si Ronnie Dayan.
#