Tulak ng Marijuana tiklo sa buy-bust

SORSOGON CITY – Agad na pinosasan ng mga operatiba ng Sorsogon City Police Station ang 26-anyos na ‘tulak’ ng Marijuana sa ikinasang buy-bust operations sa City Employees Village, Brgy Balogo, East District, Sorsogon City.

Kinilala ang suspek na si Joseph Codi Medina, residente ng nasabing barangay.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Inaresto si Medina matapos ang transaksyon nito sa isang operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.

Maliban sa isang sachet ng tuyong dahon na hinihinalang Marijuana na ibinenta nito sa halagang P500.00 narekober pa dito ang isa pang sachet ng tuyong dahon at improvised pipe.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News, ang suspek ang siyang binabagsakan ng Marijuana na nanggaling pa sa Pangasinan at Pampanga.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang grupo umano ay may GC o group chat na ginagamit ng mga ito sa kanilang iligal na transaksyon.

Madalas din umano na ginagamit ng suspek ang ilang menor-de-edad sa kanyang transaksyon.