‘Tulak,’ nakatakas sa buy-bust operations

SORSOGON CITY – Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isang ‘tulak’ ng ilegal na droga na nakatakas sa isinagawang drug buy-bust operations sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Nakilala ang suspek na si Erwin Haja Hamor, 29-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Burgos ng nasabing bayan

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM-Sorsogon mula sa mapagkakatiwalaang source, ang suspek ay kumagat sa pain ng mga awtoridad kung saan positibo itong nakapagbenta ng shabu sa isang operatiba na nagpanggap na buyer.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Matapos ang palitan ng droga at pera ay natunugan ng suspek na ang kanyang ka-transaksyon ay isang pulis kung kaya’t kumaripas ito ng takbo at hindi na naabutan ng tumugis na mga operatiba hanggang sa tuluyang nakatakas.

Gayunpaman, sinampahan ito ng asunto sa pamamagitan ng ‘regular filing in court’ sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002, ito ay matapos na magpositibo sa methamphetamine hydrochloride ang nasamsam na droga na tumitimbang ng 4.1800 grams na may standard drug price (SDP) na aabot sa P28, 424.00.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Si Hamor ay nasa listahan bilang Regional Level High Value Individual.

Ang anti-illegal drug operations ay ikinasa ng drug enforcers ng Special Operating Unit 1-Team Sorsogon.