Iniulat ng OCTA Research group na mataas ang healthcare utiization rate (HCUR) sa mga probinsya ng Negros Oriental, Iloilo, Agusan del Norte, Misamis Oriental, at Cagayan.
Batay sa kanilang monitoring report na inilabas ngayong araw, sinabi ng grupo na ang mga probinsyang ito ay mayroong HCUR na 70 percent o mas mataas pa.
Ang HCUR sa Negros Oriental ay nasa 70 percent, sa Iloilo ay 72 percent, Agusan del Norte 75 percent, Misamis Oriental na nasa 78 percent, at Cagayan na nasa 84 percent.
Tinukoy din ng grupo ang Negros Oriental, Leyte, at Agusan del Norte dahil sa pagtaas ng bagong COVID-19 cases.
Pinangalanan din ng OCTA ang ilang local government units of concern gaya ng Cagayan de Oro City, Iloilo City, Butuan, Dumaguete, Tuguegarao, Tacloban at Cotabato City.
Sinabi ng experts group na ang mga lugar na ito ay mayroong mataas na hospital bed utilization rate na mahigit 70 percent.
Samantala, bumaba ng 3 percent ang average number ng bagong COVID-19 cases sa buong Pilipinas mula June 5 hanggang 11.
