Tugade, welcome ang pagkakatalaga kay ex-PAL president Bautista sa DOTr

Welcome para kay outgoing Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagkakatalaga kay dating Philippine Airlines (PAL) president Jaime Bautista, bilang susunod na chief ng Department of Transportation (DOTr).

Kaugnay nito, hinimok ni Tugade ang publiko na magtiwala at suportahan ang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagpili kay Bautista.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Ayon sa Transportation secretry, personal niyang kilala ang kanyang successor, at mahabang taon na rin umano ang kanilang pagkakaibigan.

Binigyang diin pa nito, na ang professionalism, experience, dedication, at hard work ni Bautista ay magbibigay ng magandang serbisyo bilang pagiging kalihim ng DOTr.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Si Bautista, ay certified public accountant, nagtrabaho sa PAL sa loob ng 25 taon, at nagsilbi bilang presidente ng naturang airlines sa loob ng 13 taon bago ang pagreretiro noong 2019. //MHEL PACIA