COVID-19 vaxx coverage sa BARMM, nananatiling nasa 33% mula sa 70% target

Nananatili ang COVID-19 vaccination coverage sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 33% ng kanilang populasyon, na malayong-malayo pa sa 70% target na itinakda bago magtapos ang Duterte administration.

Kaugnay nito, binigyang diin ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na 1.1 million mula sa 3.5 million BARMM population ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Read More:  Batangas solons condemn Leviste remarks against Recto couple

Sa gitna nito, sinabi ni Cabotaje na talagang humataw ang naturang rehiyon matapos ang Ramadan dahil sa special vaccination days, mula sa dating 20 percent lang.

Hindi naman matiyak ng NVOC chairperson, kung makakaabot sila sa 50 percent hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Read More:  Mabanta, four others released on bail in Romualdez case

Una nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang ilang mga hamon sa vaccination rollout sa naturang rehiyon ay ang vaccine hesitancy o preference ng mga tao, limitadong manpower, fake news, late submission ng daily vaccination reports, at malamig na suporta mula sa mga local chief executives at barangay local government units. //MHEL PACIA