Ibinahagi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na ang administration ng boosters para sa 12 hanggang 17 taong gulang na immunocompromised ay mabagal at mababa.
Kaugnay nito, tanging 45 na mga bata pa lamang ang nakakatanggap ng booster laban sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Paliwanag ni Cabotaje, may operational problems kasi sa paghahanap ng mga immunocompromised.

Dagdag pa nito, na may mga nanay at ospital ang hindi nagco-configure dahil gusto ng mga ito na isabay pati ang mga anak nila na hindi immunocompromised.
Samantala, sa ngayon, tanging ang Pfizer booster shot palang ang nabibigyan ng emergency use authorization ng Philippine Food and Drug Administration para sa naturang age group. //MHEL PACIA