Mas gusto ni Transportation Secretary Arthur Tugade na isubsidiya ang bahagi ng fuel costs ng airlines, sa halip na mag-apruba ng mas mataas na fuel surcharge na ipapasa sa air traveling public, sa gitna ng tumataas na presyo ng petroleum products.
Mababatid na kahit wala pa ang invassion ng Russia sa Ukraine, itinaas na ang Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge rate noong March 1 hanggang April 30, 2022 period sa Level 4, matapos ikonsidera na ang presyo ng jet fuel ay pumapalo sa $95.35 per barrel para sa December 2021 hanggang January 2022.
Sa ilalim ng Level 4 ng Fuel Surcharge Matrix, maaring magkolekta ang mga airlines ng fuel surcharge na P108 hanggang P411 para sa domestic flights at P543 hanggang P5,026 para naman sa international flights.

Sa kabila nito, posibleng ikasa ang isa pang upgrade sa fuel surcharge matapos na pumalo na sa $161 ang presyo ng jet fuel bawat bareles mula March 25, 2022, mas mataas ng 141.5% year-on-year, batay sa datos ng International Air Transport Association.