Duterte, sasama sa sorties PDP-Laban bets sa vote-rich Cebu sa March 31

Sasamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato ng ruling PDP-Laban party sa sunod-sunod na campaign sorties simula sa March 31.

Ayon kay Cabinet Secretary and PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, ito ang magiging unang public appearance ni Duterte sa pag-endorso ng mga kandidato ng PDP-Laban.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Dagdag ni Matibag, ang event ay gagawin sa Lapu-Lapu City, Cebu, na vote-rich province batay sa datos ng Commission on Elections.

Kaugnay nito, sinabi ni Matibag na plano nilang sumama ang pangulo sa humigit-kumulang 24 na mga lugar, para i-endorso ang senatorial candidates ng PDP-Laban, maging ang mga kandidato na enendorso at inadopt ng PDP-Laban, maging ang mga local candidates.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sa ngayon, wala pang inendorso ang pangulo na kanyang magiging successor. //MHEL PACIA-TRINIDAD