Produksyon ng baboy, bumaba sa Q4 ng 2021 -PSA

Bumaba ng mahigit sa labindalawang porsyento ang produksyon ng baboy noong nakalipas na huling bahagi ng taong 2021, batay sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang kabuuang produksyon ng baboy noong October hanggang December 2021 ay aabot sa 450,000 metric tons liveweight, mas mababa kumpara sa 4th quarter ng 2020 na aabot sa 515,000 metric tons.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), pangunahing dahilan pa rin ng pagbaba ng bilang ng produksyon ng baboy sa bansa ay ang African swine fever.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Kabilang sa mga rehiyon na pangunahing nag-po-produce ng baboy ay ang Northern Mindanao na aabot sa 62,000 metric tons o katumbas ng 13.8 percent ng kabuuang produksyon ng baboy sa bansa, sumunod ang Western Visayas, Calabarzon, Central Visayas at Davao Region.