Kabrigada, may pusong ginto ka rin ba?
Kumakalat ngayon sa social media ang mga litrato ng isang lalaking pumasok sa isang sikat sa fast food chain para humingi lamang ng isang baso ng tubig. Makikita sa hitsura ng lalaking ito ang kaniyang pagkauhaw at gutom pero tubig lamang ang kaniyang hiningi sa counter.
Laking-gulat niya nang matapos siyang uminom ng dalawang baso ng tubig ay binigyan rin siya ng dalawang fried chicken ng manager ng nasabing food chain na itatago natin sa pangalang Khel. Nakita ito ng isang customer sa nasabing fast food chain at na-touch sa nasaksihang act of kindness na ipinakita.
Minabuti naman ng netizen na ito na pasikretong kunan ng litrato ang pangyayari para ibahagi sa mas nakakarami pang mga audience.
“Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban.” Komento ng customer. ### Nico Merciales, Intern
Photo courtesy of Drew Buena