Mahigit 100 libong mga kuwalipikadong pulis, makakatanggap ng kanilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay bukas para sa April 2024

Matatanggap bukas ng mahigit 100 libong kuwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay para sa buwan ng Abril ngayong taon.

Base sa abiso mula sa PNP Finance Service, aabot sa 116, 079 na mga pulis ang makakatanggap ng kanilang CIP habang 166, 138 na mga pulis ang makakatanggap ng kanilang CDP.

Nabatid na nakakatanggap ng fixed rate na 3, 000 pesos na CDP ang mga kuwalipikadong pulis habang ang daily CIP naman ng mga ito ay 300 pesos.

Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual police operations.

Bukod dito, ayon pa sa PNP Finance Service, matatanggap din ng 216,303 na mga pulis ang kanilang rice subsidy sa Miyerkules para sa buwan ng Mayo.