PNP Chief Marbil, muling nagbabala sa mga pulis na nagbibigay proteksyon sa POGO operation

Muling nagbabala si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga pulis na nagbibigay proteksyon sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO operation sa bansa.

Ayon kay Gen. Marbil, ang sinumang pulis na mapapatunayang sangkot sa ganitong gawain ay mahaharap sa kaukulang parusa.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Pinaaalalahanan niya rin ang mga pulis na sumunod sa batas at panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng integridad, lalo na sa usapin ng POGO.

Kamakailan lamang ay pinaigting ng PNP ang kampanya laban sa illegal POGO operation na nagresulta sa pagpapasara ng mga operasyon nito sa pamamagitan ng coordinated efforts ng CIDG at PNP-Anti Cybercrime Group.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Tiniyak din ng PNP Chief sa publiko ang kanilang patuloy na pangakong mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bansa.