Tricycle sa Davao Oriental may ikalawang palapag

Gusto mo bang sumakay sa maluwag na tricycle?

Ang isang tricycle kasi sa Cateel, Davao Oriental ay kinaaliwan ng mga netizen dahil mayroon itong ikalawang palapag. Gawa ito ng content creator na si Pordz Batiller at nagkakahalaga ito ng P100,000.

Sabi naman ng isang safety expert na si Capt. Joebert Tolentino, ang mga ganitong uri ng tricycle ay hindi puwedeng ipangpasada dahil hindi ito ligtas para sa mga pasahero.

Ayon kay Pordz, hindi naman niya ito gagamitin pangpasada at para lamang ito makapagbigay saya sa mga tao. ### Pauline Manga, Intern

Photo Courtesy of Tristan Castillones Cervantes Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *