Burol sa Chile pinahinto para makapanood ng football match

Usap-usapan ngayon sa Social media ang isang video ng burol na pinahinto ng isang pamilya para manood ng Football match sa Chile noong July 1.

Gumamit pa ng isang malaking screen projector ang pamilya para subaybayan ang laban ng Chile at Peru habang nasa tabi ang kabaong ng kanilang kamag-anak.

Nilagyan ng pamilya nito ang kabaong at disensyohan pa ng mga jersey ng paborito nitong Football player, at pinaniniwalaang swerte ang ganon sa laban.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang naturang video. Ang ilan ay na-touch at tinawag na tribute para sa kanilang namayapang mahal sa buhay, habang ang iba naman ay tinawanan ito.  (BRIGADA NEWS INTERN HANNAH MAGNAYE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *