Kaso ng pertussis sa lungsod ng Quezon – sumipa na sa 33

Umakyat na sa 33 ang mga naitalang kaso ng pertussis sa Quezon City – batay sa tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance mula January 1 hanggang March 30 ng taong kasalukuyan.

Nananatili sa lima ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.

Dalawa rito, mula sa District 1; habang tig-isa naman ang nasawi sa District 2, 4 at 5.

Payo ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng may nararamdamang sintomas ng pertussis – agad na pumunta sa pinakamalapit na health center sa lungsod para makapagkonsulta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *