Tricycle, na-hit and run ng owner jeep; Driver at 2 menor de edad, sugatan

Sugatan ang driver at dalawang menor de edad matapos masalpok ang sinasakyang tricycle ng owner jeep sa Barangay San Jose, San Antonio, Quezon nitong Lunes, Mayo 20.

Batay sa report, parehong binabagtas ng dalawang sasakyan ang direksyon patungo sa Tiaong, Quezon nang aksidenteng masalpok ng owner jeep ang nasabing tricycle.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng tricycle kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas habang tumakas naman ang driver ng owner.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.