NAGA CITY – Nabawasan ang arawang kita ng mga tricycle driver na pumaparada sa Concepcion Pequeña malapit sa simbahan ng Immaculate Conception sa pagpapalipat ng daan sa mga bus at van mula sa Partido Area, Rinconada at Albay.
Ang mga pasahero ng mga nabanggit ng sasakyan siyang regular na pasahero naman ng mga apektadong tricycle kaya halos nawala ng kita ang mga ito batay na rin sa pahayag ng kanilang presidenteng si Pablo Morcillo.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Morcillo, sinabi nitong nasa 30 silang mga driver na apektado na nawalan ng kita dahil sa pagbabago ng ruta ng mga sasakyan at ang ikinasasama ng loob nila ay hindi man lang sila nakunsulta sa pagpapadaan na sa Almeda Highway kasabay ng pagsisimula ng Del-Rosario , Almeda Route ng jeep.
Dati aniya kapag rush hour may kita silang P500 ngayon, parang Biyernes Santo kung sila ay maghintay ng sasakay.