Tricycle driver na umawat umano sa away, nasaksak sa tiyan sa Narra

Sugatan ang isang Jay Jay Pareñas Villanueva, 37 anyos,binata, tricycle driver matapos masaksak hating gabi kanina sa Purok Uliran Barangay Panacan 1 Narra, Palawan.

Kinilala ng Narra PNP ang suspek na si Ronnie Caballiron Deluna, 39 anyos, na residente rin sa naturang lugar.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinuman ang biktima at ang isa nitong kaibigan sa harap ng bahay ng suspek nang magkaroon ng pagtatalo si Deluna at ang isa sa umano’y kapamilya nito.

Kalaunan ay nauwi sa suntukan ang diskusyon ng mga ito kung saan umaawat ang biktima, subalit kumuha ng kutsilyo si Deluna at doon nasaksak si Villanueva sa tiyan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang suspek ay agad inaresto ng rumespondeng Barangay Tanod bago dinala sa PNP.

Samantala, narekober ang ginamit na kutsilyo na may haba na mahigit sampung pulgada habang nagpapagaling na umano ngayon ang biktima.