10 -patay, 25 ang sugatan matapos tumagilid ang sinasakyang wedding bus sa Australia

SAMPONG katao ang patay habang 25 naman ang sugatan, matapos na tumagilid ang sinasakyang wedding bus sa New South Wales sa Australia.

Ayon sa mga otoridad, ang naturang bus na may lulang ‘guests’ o mga bisita para sa isang kasal ay bigla na lamang tumagilid malapit sa town of Greta sa Hunter Valley habang binabaybay ang daan patungo sa Singleton.

Naaresto na ang 58-anyos na driver ng bus, habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang iba pang mga biktima, habang nagpahayag ng pakikiramay si Australian Prime Minister – Anthony Albanese sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi.### JUMEL DELA ROSA