CAMARINES NORTE- Naaresto sa Barangay Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte Huwebes ng gabi, September 8, ang isang tricycle driver na ika- apat sa listahan ng Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A.
Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas Ben 54, residente ng Zone-3, Tanauan City, Batangas na nahaharap sa kasong two counts of rape.
Ginawa ng mga operatiba ng Capalonga Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Heinrich Bert Villaluz ang pag aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Nevic Cordillo Adolfo ng Regional Trial Court Branch 83, Tanauan City, Batangas na may petsang July 5, 2022.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa naturang kaso.
Nasa kustodiya na ito ngayon ng Capalonga Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Tiniyak naman ni Maj. Villaluz ang patuloy na pagtugis ng kapulisan sa mga taong nagtatago sa batas upang panagutin sa kanilang pagkakasala.
