LEGAZPI CITY – Umabot na sa 81.29% ang mga nagpaparehistro para sa National ID or PhilSys ID sa buong kabikolan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol.
Sa pahayag ni PSA Information Officer 1 Vlademir Peraja sa Brigada News FM Legazpi, lumagpas na ang rehiyon sa target nitong accomplishment na 4.9M, kung saan, hindi na tataas pa sa 10% ang kailanganin pang irehistro para sa taong ito.
Sa datos ng PSA Bicol, naitala ang may pinakamaraming nagparehistro sa PhilSys sa lalawigan ng Camarines Sur, kung saan ito ay umabot sa mahigit 1.2M, na sinusundan ng Albay na may mahigit 900K, Sorsogon na may mahigit 600K, Masbat na may mahigit 500K, at Camarines Norte na may mahigit 400K. Samantala, hinihikayat pa rin ng ahensiya ang publiko na magparehistro at magkaroon ng nasabing ID.