Trend ng COVID-cases sa Naga city, bahagyang bumababa

NAGA CITY- Bumababa ang trend ng COVID single day cases sa Naga City, ito ang lumalabas sa datus ng Analytics Team ng Health Emergency Response Task Force (HERTF).

Kung noong nakaraang dalawang linggo 31 kaso ng COVID-19 ang naitatala sa isang araw, nitong mga nakalipas na araw ay nasa 20 na lamang. Ito ang ibinahagi sa City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO)  ni  City Planning and Development Officer  Mr. Willy Prilles ng nasabing grupo, katuwang ang Institute for Environmental Conservation and Research (INECAR) ng Ateneo De Naga University.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa projection ngayong linggo naman 20-25 daily cases ang inaasahan. Mababa na ng kaunti sa mahigit 30.

Kung kaunti ang kaso, mababawasan din ang mga nasa isolation at treatment facility pati na rin ang nasa COVID-ward ng Bicol Medical Center.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kung mangyayari aniya ang nasabing sitwasyon o mas mababa pa sa 20 bawat araw, tiwala ang Analytics Group na sa Hulyo 15, bababa na sa General Community Quarantine (GCQ) ang quarantine classification ng lungsod kung hindi man maibabalik kaagad sa Modified General Community Quarantine o MGCQ .