Tree planting at cleanup drive pinangunahan ng Camarines Norte 1st PMFC kahapon

CAMARINES NORTE- Isinagawa kahapon sa pangunguna ni PLt Col Arnel D. De Jesus, Force Commander ng Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company ang tree planting activity

Alas sais y medya ng umaga kahapon, Hunyo a-4 nagtungo ang grupo ng PMFC kasama ang  San Vicente Municipal Police station para sa pagsasagawa ng tree planting at clean up drive sa tulong ng MENRO San Vicente sa Abasig Matogdon Mananap natural biotic Area, sa Barangay Fabrica San Vicente, Camarines Norte.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Ang nasabing aktibidad ay sinuportahan naman ng KKDAT members, LGU personnel, DEPED personnel at ng mga Barangay opisyal.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng kaalaman na mapigilan ang pagkasira ng kalikasan at upang mapaalalahanan ang bawat indibidwal sa responsibilidad ng bawat isa na protektahan ang kabundukan