Travel restrictions sa Chinese travelers, iminungkahi ng DOTr

Pinaburan ni Tranportation Secretary Jaime Bautista ang pagkakaroon ng mas mahigpit na travel restrictions para sa mga travelers na magmumula sa China.

Ginawa ni Bautista ang pahayag sa gitna ng nararanasang surge ng COVID-19 infection sa China.

Ayon sa Kalihim, dapat ay maging maingat ang Gobyerno ng Pilipinas sa mga Chinese visitors na pupunta dito sa Pilipinas.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Para maiwasan magkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa bansa mula sa China – iminungkahi ni Bautista na magkaroong muli ng testing sa mga inbound travelers mula rito.

Matatandaaang ang BF.7 Omicron subvariant ang isa sa tinitingnang dahilan ng muling paglobo ng mga kaso ng nakahahawang virus sa China.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Una na rin itong na-detect sa Pilipinas ngunit sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa ito maituturing na ’cause of concern’.

READ MORE:

Sinabi na rin ng DOH na prerogatibo na ni Pangulong Bongbong Marcos kung tutuloy ito sa nakatakda niyang China Trip sa Enero.