Bagong OIC ng DSWD na si Edu Punay – umaasang mare-reappoint pa rin ang na-bypass na si Erwin Tulfo

Tiniyak ng bagong officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Edu Punay na hindi makaaapekto ang kakulangan ng full-fledged secretary ng Kagawran sa mga public services nito lalo na’t nasa recovery stage pa rin ang mga naapektuhan ng pagbahang dulot ng Shear Line.

Matatandaaang kasing in-appoint si Punay na isang dating mamamahayag bilang OIC ng DSWD makaraan ang hanging position ni Erwin Tulfo bilang secretary sa gitna ng nakaamba nitong pagka-bypass sa Commission on Appointments.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay Punay, tuloy pa rin ang trabaho ng Kagawaran para masiguro ang tulong sa mga naapektuhan ng mga sakuna sa bansa.

Nilinaw din niyang ‘ministerial functions’ lamang ang kanyang tungkulin sa DSWD kaya naman hindi rin siya maaaring pumirma ng mga kontrata, ‘o ‘di kaya nama’y magtanggal ng mga empleyado.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa ngayon, ang pagka-bypass daw ni Tulfo ay bahagi na lamang ng ‘political reality’ at wala na silang kontrol para rito.

Sa huli, sinabi ng DSWD OIC na umaasa pa rin silang mare-reappoint si Tulfo bilang Kalihim ng kanilang tanggapan.