Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na posibleng mayroong mga data sa kanilang sistema ang nag-leak.
Ang PSA na mismong statistical agency ng centralized data ng lahat ng mga Pilipino ay ang pinakabagong posibleng biktima ng cyberattack.

Sa isang statement, sinabi nilang iniimbestigahan na nila ang posibleng data breach sa kanilang sistema.
Sa kabila nito, limitado lang daw ‘yan sa kanilang ‘Community-Based Monitoring System’ o CBMS.
Inaalam na rin aniya kung mayroon bang mga nakompromisong mahahalagang data.
Sa huli, tiniyak ng PSA na ligtas pa rin ang data ng mga Pilipino kabilang na ang Philippine Identification System (PhilSys) at Civil Registration System (CRS).